Kalamangan at Kawalan ng Paggamit ng Teknolohiya sa mga Mag-Aaral.


Sa Panahon  ngayon kayrami na ng mga kabataan ang halos gumagamit ng ibat-ibang teknolohiya.  Mga mag-aaral na sa teknolohiya ang mas pinagtutuunan ng pansin at mas binibigyang importansya. habang nag aaral nawawalan sila ng pukos dahil sa ibat ibang gadget na ang inuuna kesa sa mag aral, gumawa ng mga takdang aralin at iba pa.  Habang lumilipas ang panahon parami ng parami ang mga imbento o mga bagong teknolohiya na mas tatangkilikin ng mga tao at ang mas nakikinabang ng mga ito ay ang mga KABATAAN. Sa paggamit ng teknolohiya may Positibo at Negatibong epekto ito sa mga mag- aaral. Ano-ano ba ang mga kalamangan at kawalan ng pag gamit ng teknolohiya sa mga Mag aaral? 

Kalamangan

Sa pag-aaral ng mga mag-aaral mas mahalaga ang Teknolohiya hindi lamang sa mga mag aaral kundi pati nadin ang mga guro sa paraan ng paggamit ng mga prodyektor upang mapadali nila ang kanilang pagtuturo at mas maintindihan ng mga mag-aaral ang nakikita at itinuturo ng kanilang mga guro sa pamamagitan ng teknolohiyang binanggit. 

Ang kalamangan ng pag gamit ng teknolohiya sa mga mag-aaral ngayon ay mas napapadali o napapabilis nila ang kanilang pagkalap ng mga impormasyon na kinakailangan nila sa pag-aaral nila. Sa paraan ng teknolohiya kayrami na ng mga websayt na mapagkukuhanan nila ng mga balita o impormasyon na kanilang hinahanap, madami silang mapagpipilian.

Ang pag gamit ng teknolohiya may positibo o maganda itong dulot sa mga kabataan, gaya ng napapadali at napapabilis nito ang kanilang pagkomunikasyon sa kanilang pamilya, kaibigan, kamag-aral at iba pa. Halimbawa nito ay kapag may kamag-anak kang nagtatrabaho sa ibang bansa, dahil sa makabagong teknolohiya napapabilis nito ang pagpadala ng mga mensahe na gusto mong sabihin sa pamamagitan ng social media, text, pagtawag gamit ang telepono.

Kalamangan  ng pag gamit ng mga mag-aaral ay ang pagkakaroon nila ng mga panibagong kaalaman na magagamit nila sa pang araw araw na pamumuhay sa pagpasok sa paaralan. Kaalaman na nakakabuti para sa kanilang pag-aaral, kaalaman sa kanilang kalusugan at kaalamanng importansya ng teknolohiya sakanila kung hanggang saan ang limitado nilang paggamit nito.



KAWALAN

Kung may kalamangan ang paggamit ng teknolohiya sa mga mag-aaral may kawalan din ito sa kanila na maaraing magdudulot ng hindi maganda sa kanilang pag-aaral, pamumuhay at kalusugan.

Kawalan ng paggamit ng teknolohiya sa mga kabataan ay higit na paggamit ng mga gadget kesa sa gumawa ng mga takdang aralin, dahil sa teknolohiya nagiging tamad ang mga kabataan o mag-aaral mas inuuna ang paggamit ng social media kesa magbuklat ng libro at mag rebyu sa mga pagsusulit.

Malaki ang nagiging epekto ng teknolohiya sa mga kabataan ngayon, dahil sa parami na ng parami ang mga websayt ngayon ang mga kabataan naman ay nagiging mausisa sa mga bagay bagay, kaya kadalasan napupuntahan nilang websayt at hindi maganda o naaangkop sa kanilang edad. Dahil sa mga pabago bagong teknolohiya, kasabay noon ang pagbago ng pag uugali ng mga kabataan na nagdudulot sa kanila ng hindi magandang katangian.

Ang paggamit ng  teknolohiya ay nagkakaroon  negatibong dulot sa mga kabataan, lalo na sa mga mag-aaral. Nagiging negatibo ang paggamit ng teknolohiya kapag ito ay sobra o higit na mas ginagamit, dahil kapag sobra ang paggamit ng mga gadget malaki ang epekto nito sa kalusugan, napapabayaan o napapadalas ang pagliban ng pagkain, pagkalabo ng mata dahil sa walang humpay na pagtutok sa "screen" ng kanilang gadgets. Dahil sa teknolohiya nagiging masama ang ibang kabataan at ang mga mag-aaral ay hindi pinagtutuusan ng pansin ang kanilang pag-aaral.

Iilan lamang yan sa mga kalamangan at kawalan ng paggamit ng teknolohiya pero mahalaga na dapat pantay at limitado ang paggamit nito, hindi sobra dapat tama lamang. Dahil masama ang sobra, sapat lamang ang tama. at magdudulot ito sa ating lahat ng kabutihan sa ating sarili at sa kapwa.

Comments