Kalamangan at Kawalan ng Paggamit ng Teknolohiya sa mga Mag-Aaral.
Sa Panahon ngayon kayrami na ng mga kabataan ang halos gumagamit ng ibat-ibang teknolohiya. Mga mag-aaral na sa teknolohiya ang mas pinagtutuunan ng pansin at mas binibigyang importansya. habang nag aaral nawawalan sila ng pukos dahil sa ibat ibang gadget na ang inuuna kesa sa mag aral, gumawa ng mga takdang aralin at iba pa. Habang lumilipas ang panahon parami ng parami ang mga imbento o mga bagong teknolohiya na mas tatangkilikin ng mga tao at ang mas nakikinabang ng mga ito ay ang mga KABATAAN. Sa paggamit ng teknolohiya may Positibo at Negatibong epekto ito sa mga mag- aaral. Ano-ano ba ang mga kalamangan at kawalan ng pag gamit ng teknolohiya sa mga Mag aaral? Kalamangan Sa pag-aaral ng mga mag-aaral mas mahalaga ang Teknolohiya hindi lamang sa mga mag aaral kundi pati nadin ang mga guro sa paraan ng paggamit ng mga prodyektor upang mapadali nila ang kanilang pagtuturo at mas maintindihan ng mga mag-aaral ang nakikita at itinuturo ng kanilang...